Pagkaing Kalye sa Pilipinas
Patok na patok talaga sa mga Pinoy, lalo na sa mga kabataan ang pagkain ng mga “street foods” o mga pagkaing kalye
dahil mura na masarap pa at sa halagang 30 pesos mo ay busog
kana. Kung sa ibang bansa ang ang mga pagkaing kalye nila ay mga burgers, dimsum, hotdogs, at fries, ibahin mo ang mga pagkain sa Pilipinas. Ang mga pagkaing kalye dito ay kakaiba. Hindi mo akakalaing makakain mo ito. Usong-uso sa Pilipinas ang mga fishballs, isaw, banana-cue, kamote-cue, kwek-kwek, adidas, turon, Betamax, taho, iskrambol at iba pang mga pagkaing kalye na mahilig kainin ng mga Pilipino.
Ang fishball ay maliliit na bilog at parang plato ang hugis ngunit kapag inilubog sa mainit na mantika ay unti unting umaalsa. Bawat mamimili ay binibigyan ng maliit na pangtuhog at platong karton upang maging lalagyanan nito. Maaari rin silang mag tuhog ng kahit ilan at ilubog sa tatlong uri ng sarsa: matamis, maanghang, at matamis na maasim.
Ang bananacue ay gawa sa manibalang na saba na binibilot sa pulang asukal at saka piniprito. Ang mainit ding mantika ay sinasabuyan ng pulang asukal hanggang sa bumuo ito ng karamel na tuluyang babalot sa saba. Pagkatapos ay itutusok ito sa makapal na bamboo stick. Karamihan sa Pilipino ay mas pinipili itong kainin sa meryenda kaysa pang himagas.
Ang isaw ay inihaw na bituka ng manok o baboy na nilinis ng ilang ulit sa loob at labas habang pinakukuluan at pagkatapos ay dadagdagan ng panimpla. Ang bituka ay itutusok sa tuhugan nang pa-sigsag bago ihawin.
Ang kamote-cue ay katulad ng isang banana-cue sa paraan ng paggawa ng pagkaing ito, bagamat hindi saba ang gamit kundi kamote. Maaaring hiwain ito sa iba’t ibang korte gaya ng tatsulok o parisukat. Pagkatapos nitong lutuin ay pwede itong itusok sa tuhugan o ilagay sa isang cardboard bago kainin.
Ang kwekwek ay tinatawag ding tokneneng. Ito ay nilagang itlog ng manok o pugo na binalutan ng kulay kahel na gawa sa harina, tubig, ibang panimpla at atsuete bilang pampakulay. Ito ay niluluto sa paraang deepfried. Kinakain ito nang may kasamang suka at pininong sibuyas, kung minsan ay nilalagyan din ng sili o pampaanghang.
Ang adidas ay ang inihaw na paa ng manok at unang niluluto na pang adobo. Tintanggalan muna ito ng mga kuko at makapal na balat bago ito lutuin, saka itutusok sa pantuhog. Masarap ito kung sasamahan ng suka na nilagyan ng pampaanghang.
Ang turon ay gawa sa saba na hiniwang pahaba. Sa paraang ito ay mabilis itong maluto. Pagkatapos ay ibinilot sa pulang asukal, saka ibabalot ang lumpia wrapper. Maaaring dagdagan ito ng hinimay na langka para mas lalong sumarap ang lasa. Pagkatapos ay idideep fry hanggang sa maging pula at malutong ang balat nito.
Ang Betamax ay gawa sa namuong dugo ng baboy o manok na pinakuluan kasama ang ibang pampalasa, hinugisan ng kubiko saka tinuhog at inihaw. Tinawag na ganito ang pagkain dahil ito ay kahugis katulad ng isang bala ng betamax. Ang pagkain nito ay sinasamahan ng suka, pamintang durog at pinong sibuyas.
Ang taho ay gawa sa malambot na soya na hinaluan ng arnibal at maliit na sago. Karaniwan itong inilalako gamit ang dalawang aluminum na balde at kapwa nakasabit sa isang makapal na pingga. Ang isang balde nanakatakip ay naglalaman ng mainit na soya. Ang kabila ay naglalaman ng arnibal, maliliit na sago at mga plastic na baso.
Ang iskrambol ay binubuo ng maliliit na kubikong gelatin, sago, malapot na gatas o powdered milk at ginayat na yelo.Pagkatapos ay hinalo halo gamit ang pambati ng itlog at dinagdagan ng chocolate syrup bilang pang ibabaw na dekorasyon.
Maraming pagkaing kalye ang kinahuhumalingan ng maraming Pilipino. Tila may kakaibang sarap na taglay ang mga pagkaing ito at maraming pilipino ang ito’y hahalukayin naman ang kasaysayan nito, ang mga pagkaing kalye ay dala pa ng mga naunang dayuhan sa ating bansa. Sa mas malawak nilang imahinasyon at sibilisasyon ay pinamanahan nila tayo ng iba’t ibang kaalaman.
Ang pinaka masarap na natikman namin na pagkaing kalye ay Isaw napaka mura lang sa halagang 20 pesos ay may apat na isaw kana at ang kanin ang nasa limang peso lang ang halaga kaya sulit talaga at masarap pa.
Ang pinaka hindi masarap na natikman namin ay Gulaman lasang maasim na kasi at hindi mo na talaga pwede inumin yun.
Members:
Reambonanza, Michael
Gonzales, Angel Grace
Tan, Alaric
Tumambiling, Chelsea
Jamison, Clarisse
Arbutante, Clint Marlow
Alzate, Rey Noel
Casa, Jhon Rey
Ragas, April Joy
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento